Walang anumang plano si Presidente Rodrigo Duterte na magbigay ng paumanhin sa mga sinasabi niya sa press conference, sapagkat ito ay bahagi daw ng kanyang freedom of expression at hindi ito pambabastos.
Si Duterte ay muli na namang binanatan sa mga balita matapos na sipulan niya at kantahan ang GMA -7 reporter na si Mariz Umali ng magtanong ito kay Duterte
Wala namang reaction si Umali ng mga sandaling yon at nagpatuloy sa pagtatanong.
Nagulat na lamang si Duterte na malaking isyu na pala ito sa mga balita.
Ayon kay Umali hindi daw siya humihingi ng apology mula sa presidente.
Naging viral naman sa social media ang post sa FB account ng asawang si Raffy Tima dahil mali umano ang ginawa ng pangulo at kawalan ng respeto sa kanyang asawa.
Ayon kay Tima, “Catcalling my wife is wrong in so many levels. Some jokes are funny and should be laughed at but disrespecting women is definitely not one of them”
Samantala, nakarating na sa kaalaman ni Duterte ang kahilingan ng International media group na Reporters Without Borders na i boycott ang mga press con ng pangulo.
Sinabi ni Duterte, “Kill journalism in this country, stop journalism in this country. If you are worth your salt, if not then I will think lowly of you. That would mean that you are cowards”
Ayon pa kay Duterte, “I cannot stop you,, I was saying you idiots, do not threaten me, I said I’m ready to lose the presidency, my honor, my life, just do not fuck with me”
“Go ahead boycott me, Im urging you, make this trip your lasts to Davao City. I do not care if no one is covering me.”
“I’m telling the networks do not come here, I do not need you…. I would ask the cabinet to avoid you.”
Sinabihan niya ang mga reporters na i cover na lamang siya sa mga TV network o sa website na kung saan i po post ng pamahalaan ang mga impormasyon.
Si Duterte ay inulan ng batikos ng sabihin nito na ang “mga pinapatay na media ay mga corrupt.”
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 3, 2016