Sa pamamagitan ng veto power ni Pangulong Benigno Aquino III ibinasura nito at hindi inaprobahan ang
panukalang batas na “Comprehensive Nursing Law”.
Ang batas na inaprobahan ng kongreso at senado na naglalayong dagdagan ang sahod ng mga nurses.
Ipinarating na ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. kay Speaker Sonny Belmonte at Senate Pres. Franklin Drilon ang pag veto ng pangulo .
Samantala ayon kay Presidential Communications Operations Officer (PCOO) Sonny Coloma na sa mensahe ni P’noy sinabi nito na ang minimum base pay para sa entry –level nurses ay itinaas na sa pamamagitan ng isang executive order.
Ang total guaranteed annual compensation mula sa Php228,924,00 hanggang Php 334,074.00 maliban sa mga benefisyo at allowances na natatanggap nila ayon sa nakasaaad sa Magna Carta of Public Health
Ayon kay P’noy kung isusulong ang dagdag sahod ay sisirain nito nito ang salary grade structure ng pamahalaan at masasapawan ang mga sahod ng mga optometrist at dentista.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 16, 2016