DAVAO CITY, Philippines–Binuo na ng kampo si presumptive president Rodrigo Duterte ang isang transition team bilang paghahanda sa kanyang pag upo sa pwesto bilang bagong pangulo ng bansa.
Ito ay matapos sabihin ni Christopher “Bong” Go, executive assistant ni Duterte na tumawag sa kanya si Pangulong Noynoy Aquino at nangumusta.
Sinabi rin ni P’noy na isang administrative order ang ipapalabas miya para sa smooth transition of govt para kay Duterte.
Si Malacañang Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang magiging transition head sa panig ng Malacañang.
Sa panig naman ni Duterte ay sina Bong Go, executive assistant; Leoncio Evasco, national campaign manager; Peter Laviña, media bureau chief; Carlos Dominguez, campaign finance chief; Atty Salvador Medialdea, legal team head at Atty. Lorieto Ata, deputy legal head.
Ang grupo ay nag usap na sa Marco Polo Hotel
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 11, 2016