Inilunsad ng mga anti- Marcos ang isang signature campaign na humihiling kay Incoming President Rodrigo Duterte na
huwag ilibing si dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa petition ay inisa isa ng mga ito ang mga dahilan kung bakit hindi pwedeng ilibing ang dating pangulo.
Ang paglilibing umano kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani kasama nang iba pang mga tunay na bayani ay isang malaking insulto sa libu- libong mga tao na naging biktima ng torture at murder noong siya ay pangulo ng bansa.
Ang isang tunay na bayani ay hindi inaalis ang kalayaaan bagkus ay isinusulong ito. Isang nakakahiyang hakbang ito at malungkot na mensahe para sa mga kabataan natin sapagkat binibigyan pa ng pabuya ang isang naging berdugo ng bayan.
Hindi raw magkakaisa ang bansa tulad ng sabi ni Duterte sapagkat mas mahahati ang lipunan dahil sa kawalang hustiya ito sa mga naging biktima ng Martial Law.
Bilang isang sundalo noon, si Marcos ay naka commit ng mass murder o pagpatay at gross plunder o pandarambong. Hindi naman umano lahat ng sundalo ay dapat na ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Si Marcos ay pinatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng people power.
Habang sinusulat ang balitang ito ay marami ng pumipirma sa petisyon umabot na sa 4,364 signatories at marami pa ang pumipirma.
Wala pang ibinibigay na kasagutan si Duterte tungkol dito.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 25, 2016