“Sasakay pa rin ako ng bus pauwi”—Leni Robredo

Estimated read time 2 min read

“Walang magbabago, sasakay pa rin ako ng bus pauwi sa Naga City”, ito ang tinuran ni VP frontrunner Leni Robredo kahit makaupo na siya bilang bise presidente.
leni group picTulad ng nakaugalian, suot ang kanyang tsinelas, sumakay ng bus si Leni mula Maynila pauwi sa Naga upang bumisita sa isa niyang political leader na binawian ng buhay.

Marami man ang bumabatikos sa kanya na umano’y pakitang tao lang ito, hindi naman pinatulan ng butihing asawa ni DILG Sec. Jesse Robredo ang intriga.
Kahit noon pa mang buhay pa si Jesse, laging sumasakay ng bus ang mag asawa pag umuuwi ng Naga at pabalik ng Maynila.
Si Leni ay pasorpresa ring bumisita sa LGU Naga.

Nagkataon namang may regular session sa Sangguniang Panlungsod kaya nag deliver din si Leni ng kanyang pasasalamat sa all- out support ng kanyang mga kababayan.
Nakipagtalakayan naman si Leni sa mga opisyal ng Lungsod sa pangunguna ni Mayor John Bongat, Vice Mayor Nelson Legacion, Congressman elect Gabby Bordado at iba pa.

leni mayor
Hanggang sa kasalukuyan ay buhay na buhay pa rin sa Naga ang sinimulan ni Jesse na bawat election ay nagaganap ang block voting o ang tinatawag na “ubos kun ubos, gabos kung gabos“ ibig sabihan ubos kung ubos, lahat kung lahat.

Ito na ang pang siyam na taon na lahat ng mga kaalyado ni Jesse at Leni ay panalo sa halalan.

Samantala sa panayam ng MCBN Pinoy Radio News kay Leni tungkol sa kanyang reaction sa pagbuhay ni incoming president Rodrigo Duterte sa death penalty, sinabi niya na mahabang usapin ito at malalim na talakayan sa kongreso at senado
Kahit hindi siya pabor sa pagbuhay ng death penalty sapagkat tanging Maykapal lang ang may karapatan sa kamatayan ng sinuman, suportado ni Leni ang mga programa ni Duterte at handa siyang makipagtulungan sa uupong presidente.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 18, 2016

You May Also Like