DAVAO CITY—Kaugnay ng mga katanungan sa tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pres Rodrigo Duterte. Sinabi ng pangulo sa mga reporters “My state of health is what you see is what you get”
Ang pangulo ay bumisita sa tropa ng 401st brigade sa Butuan City noong Sabado. Halos limang araw na hindi naman nakita ng publiko ang pangulo.
Pinabulaanan naman ng pangulo ang balita na na “stroke” siya. Sa katunayan ay malakas ang katawan nito nang bumisita sa Cabadbaran City sa 50th Anniversary ng Agusan del Norte bago siya pumunta sa tropa ng militar.
Nagbiro na naman ang pangulo sa mga reporters na may pinuntahan siyang lugar at incognito para makarating agad sa lugar. Isa pang biro ang sinabi ni Duterte na nasa loob siya ng casket nakadungaw sa kanya si Mar Roxas, pinagtatawanan siya at sumigaw siya ng sumigaw .
Sa katotohanan sinabi ng pangulo “sa kama lang ako.. Kama …. Coma .. kung na coma ako hindi ako nandito para mam…….
Inulit naman ng pangulo na kung may mangyari sa kanya ay nandiyan naman ang vice president .. na kanyang constitutional successor.
“Do not worry. There is the Vice President who will take over. My state of health is immaterial. There is an institutional succession, you follow it”
“I am good while I am alive but do not worry about a one day, two days absence. Baka nasanay na kayo kay Marcos noon ‘no, na na-operahan, may sakit lupus tapos he could not appear for so many days. Ano na lang. Sabihin mo nalang doon sa mga kalaban ko na magdasal na lang kayo para ma… “
Nabitin ang mga nakikinig sapagkat hindi na tinapos ng pangulo ang kanyang sinasabi .
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 20, 2017