Regulasyon sa paggamit ng mga car window tint ipapatupad sa 2018

Estimated read time 2 min read

 

 

Image result for dotr logoNakatakdang ipalabas ng Department of Transportation (DOTR) sa first quarter ng 2018 ang kautusan sa regulation ng mga car window tint.

 

 

Ayon kay Tim Orbos, Transport Undersecretary for Roads na hinihintay na lang nila ang final recommendation ng technical working group sa kung anong uri ng tint ang gagamitin.

Sinabi pa ni Orbos, na maliban sa matututukan ng Metropolitan Manila Development Authority MMDA ang safety and security aspects, ang regulation ng mga car window tints ay makakatulong din sa tanggapan sa pagpapatupad ng “high-occupancy vehicle” (HOV) lane sa Edsa.

 

 

Nauna rito, ang MMDA ay nag extend ng kanilang trial sa HOV lane hanggang sa unang lingo ng Enero sa susunod na taon 2018. Ito ay may layuning tipunin ang iba’t ibang data sa sistema ng trapiko at isulong ang carpooling sa mga motorista.

 

Sa isang linggong trial ng HOV lane, na check ng MMDA ang 27,524 na mga sasakyan. Pero nahirapan sila dahil ang 14,645 sa mga sasakyang ito ay may makakapal na tinted window kaya mahirap para sa enforcer na ma check at makita ang loob ng saskayan kung ang mga drivers ang nag comply sa kautusan.

 

Only vehicles with a minimum of two occupants are allowed on the HOV lane located on the innermost lane of Edsa.

Inaasahan ni Orbos na lahat ng motorist ay susunod sa kautusan kapag lumabas na ang direktiba sa first quarter ng 2018.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
December 27, 2017

You May Also Like