Isang patunay na hindi pa putol ang pagkakaibigan ng US at ng Pilipinas ay ang pagpapadala ng C-130 plane ng America sa Pilipinas na tinanggap naman ng Phil. Air Force noong Lunes.
Ito ay ang ika limang C-130 mula sa America na binili ng bansa para sa Phil Air Force (PAF)
Ayon kay US Ambassador Philip Goldberg ang hakbang na ito ng America ay isang patunay na tuloy pa rin ang pagkakaibigan ng US st Pilipinas.
Sa talumpati ni Goldberg sa turn over ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City sinabi nito “ This aircraft is a perfect example of how and why our partnership works through procurement or co investment– the pooling of our asset, our money, our time, our talent. That’s what partnership is all about”
Ang C-130 ayon ay Goldberg is the backbone of your air force at malaking tulong lalo na kung may mga disasters.
Kasama sa turn over ceremony sina Defense Sec Delfin Lorenzana at iba pang mataaas na opisyal ng AFP.
Nagbigay ng flashback si Goldberg na ang C-130 mula sa US ay siyang ginamit ng mga otoridad upang mag transport ng mga avacuees at mga pagkain noong panahon ng super typhoon Yolanda (international name Haiyan).
Round the clock umano ang paggamit ng tatlong C-130 ng Pilipinas at ang C-130 ng US at ng iba pang mga bansa. Nagtulong tulong para sa paghakot ng tone -toneladang relief supplies at ang pag rescue ng mga biktima ni Yolanda.
Ang refurbished C-130 ay ikalawa sa mga eroplano na binili sa US ng aabutin sa P1.6 billion mula sa Excess Defense Articles Program na naunang administrasyon. Ang una ay dumating noong Abril.
Ang US at Pilipinas ay malalim na ang pinagsamahan, ayon kay Goldberg “Our alliance is a 70-year history built on mutual respect and admiration, we are partners, we are friends, we are allies”
Nauna nang nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sinasara ng lubusan ang ugnayan ng US at Pilipinas, nilinaw ng pangulo na ang hindi niya sinasang ayunan ay ang foreign policy ng US.
Hindi niya pinuputol ang pagkakaibigan ng US at Pilipinas dahil sa marami umanong maapektuhan na mga Pilipino sa US.
Si Goldberg tulad ni Presidente Barack Obama ay nakatikim ng mga maaanghang na komentaryo mula kay Du30.