Araw ng Huwebes pumanaw na si Aretha Franklin, the undisputed Queen of Soul at Great Singer of All Time sa kanyang tahanan sa Detroit sa piling ng kanyang mga kamag anak at mga kaibigan.
Sa gulang na 76 years old ay matagal ding nakipaglaban sa kanyang sakit ang singer. Sa bahay na lang siya nagpapagamot. Hindi naman naidetalye ang kanyang naging karamdaman.
Habang nakikipaglaban siya sa sakit maraming mga celebrities ang dumalaw sa kanyang bedside tulad nina Stevie Wonder, Rev. Jesse Jackson at iba pa
Inialay naman nina Beyoncé at Jay-Z ang kanilang concert sa iconic singer. Sumigaw pa si Beyonce ng “We love you, thanks for the beautiful music.”
Sa halos pitong dekada ng kanyang karera nakilala si Franklin bilang isa sa pinakaimportanteng artista sa music history.
Nanalo siya ng 18 Grammy Awards, nakabenta ng mahigit sa 75 million records worldwide,. Siya ang pinakaunang female performer na nakapasok sa Rock and Roll Hall of Fame.
Nakapag record ng 112 charted singles sa Billboard at tumanggap ng napakaraming award sa music industry