Ipinatitigil ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino ang proklamasyon sa ika 10 hanggang ika 12 nanalong senador sa halalan.
.
Ang 10ng pahinang petisyon ni Tolentino sa Korte Suprema na pigilan ang COMELEC ay kasunod ng pag amin ng Smartmatic na may ginalaw sila sa script at binago rin ang hash code ng sistema sa transparency server.
Ang alteration ng “ñ” sa pangalan ng isang kandidato mula sa “?” ay malinaw na “breach in protocol“ umano dahil walang pahintulot mula sa COMELEC en banc.
Hiniling ni Tolentino sa Supreme Court na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa planong pag proklama sa mga nanalong senador na nanguna sa bilangan na itinakda sa araw ng Huwebes.
Dapat din daw na imbistigahan ito ng mga forensic experts.
Kailangang huwag munang iproklama ang huling tatlong slots sapagkat naniniwala si Tolentino na hindi ito ang tunay na boses ng masa.
Si Tolentino ay nasa ika 13 slot sa bilangan matapos na iwanan siya ni Leila de Lima
ng sobra sa isang milyong boto.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 18, 2016