Presidential Spokesperson Harry Roque binatikos ng dalawang fanatical online defenders ni Duterte

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

Binatikos si Presidential Spokesperson Harry Roque nina RJ Nieto at Sass Rogando Sasot, dalawa sa mga “most fanatical online defenders” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ay kaugnay sa mga pahayag ni Roque na babatuhin nya ng hollow blocks ang sinumang kritiko ni Duterte kasama na ang mga journalists.

 

Matapos sabihin ni Roque ang tungkol sa critical journalism ay nagsimula ring batuhin ng maaanghang na salita ni Nieto si Roque.

 

Ayon kay Nieto isang malalaking pagkakamali ang pag appoint kay Roque bilang spokesperson. Hinilng din ni Nieto ang pagbibitiw ni Roque. Ayon kay Nieto “Roque is a coward and nothing like the president”

 

 

 

“Where are your balls spox, did they take a leave of absence?

 

Galit na sinabi ni Nieto na wala umanong karapatan si Roque na diktahan ang mga bloggers tulad niya.

 

Sa FB post naman ni Sasot nanawagan siya kay Roque. Bakit mas kinakampihan niya ang mainstream media at hindi ang Duterte bloggers.

 

Binanatan nito si Roque na umano’y hayagan ang kanyang curtailment of the freedom of speech ng Duterte bloggers/ supporters subalit mas pinapaboran ang kanyang mga “legitimate media friends”

 

Kaugnay nito, nagbigay din ng reaction si Communication Assistant Secretary Mocha Uson sa sinabi ni Roque, ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga followers nya kung ano ang komento sa sinabi ni Roque.

 

Makikipagkita siya kay Roque at sasabihin niya ang tungkol sa media rights.Kailangang irespeto din ng mga journalist ang opinion ng Duterte online supporters.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
November 7, 2017

You May Also Like