Handa ang pamunuan ni PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez sa anumang pagbabago na gagawin ni incoming president Rodrigo Duterte.
Bago naman umupo sa pwesto si Duterte ay magsusumite na siya ng pagbibitiw bilang pinuno ng kapulisan sa bansa.
May mga balitang pwedeng paupuin ni Duterte bilang pinuno ng pulisya ang isang opisyal mula sa PMA Class 1985 o 1986.
Ayon kay Chief Supt Wilben Mayor tagapagsalita ng PNP, may sinusunod silang chain of command subalit nasa kamay din ng pangulo kung sino ang gusto niyang paupuin.
Samantala natutuwa ang hanay ng kapulisan sa plano ni Duterte na dagdagan ang kanilang sahod at hazard pay.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 14, 2016
Cover Photo Credit: http://lcmlaw1.blogspot.com/2015/07/the-philippine-national-police-official.html