Inulan ng katakot takot na batikos ang Philippine News Agency (PNA) matapos na i post ang maling logo ng
Department of Labor and Employment (DOLE) sa halip ay DOLE Philippines ang ginamit.
Isang kompanya na nag po process ng mga pineapple products.
Sa headlines ng PNA nakasaad na “DOLE issues pay rules for 2018 holidays”
Maraming netizens ang nakapuna kaya na i screenshot nila ang maling logo at naikalat sa social media .
Sa erratum post ng PNA “ Our staff inadvertently post the wrong photo rather than the logo of the
Department of Labor and Employment “
“It was a careless act on the PNA editorial staff”
“Rest assured appropriate action is being taken in pursuit of the delivery of accurate information to our readers.
Our apologies”
Ang PNA ay inuulan ng batikos dahil sa sunod sunod na blunder ng kanilang pagpaabot ng impormasyon sa publiko .
Tulad ng pag post ng Vietnam War at pinalabas na giyera sa Marawi
Pag post ng headline na “95 nations in 3rd UPR convinced no EJKs in Phils”
Nakarating ito sa Human Rights Council at agad na pinasinungalingan ito.
Ang PNA ay nasa pamamahala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar.
Si Mocha Uson ang kanyang Assistant Secretary.
Si Uson ay magugunitang binatikos ng netizens matapos mag post sa kanyang online page na
“Lets pray for the soldiers in Marawi” subalit napuna ng netizens na ang larawan ng mga sundalong
nakaluhod na sasabak sa giyera ay Honduras soldiers hindi Philippine soldiers.
Ayon kay Uson ito ay umano ay “symbolic” lamang.
Bago umupo sa pwesto ay sinabi ni Uson na lalabanan niya ang “fake news”
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 14, 2017