Planong ilunsad ng Philippine Airlines (PAL) ang flight papuntang Tel Aviv sa Israel
sa unang quarter ng 2019. Ito ay may layuning palakasin ang turismo at kalakalan ng bansa maliban
sa makapagbibigay ito ng madaling paraan para sa mga Pilipino na makapunta sa Holy Land
na bahagi ng kanilang “bucket list”
Ayon kay Undersecretary Manuel Tamayo, USEC for Aviation ng Department of Transportation (DOTr)
may nagaganap nang pag uusap para sa mga detalye ng biyahe ng PAL mula sa Manila patunongTel Aviv.
Ayon kay Tamayo “It’s a seasonal market”. Marami aniyang mga Pilipino ang nangangarap na
makabisita sa Holy Land. Pinag aaralan na ng PAL ang schedule ng flights lalo na kung malamig ang panahon.
Sa ngayon ay inaasahn ng Pilipinas na maisusulong ang final agreement sa pagitan ng bansa at
Saudi Arabia na gamitin ang kanilang air space. Sa ganitong paraan ay iiksi ang biyahe
mula Manila hanggang Tel Aviv, Israel.
Ang biyahe mula Manila diretso sa Tel Aviv ay aabot ng 12 hours, subalit kung gagamitn
ang air space ng Saudi Arabia ay mapapabilis ang biyahe.
Sinabi ng Director ng Ministry of Tourism ng Israel, Hassan Madah, ang Filipino tourist
na pumupunta sa Israel ay doble ang bilang. Mahigit 23,500 Filipino tourist mula 2015
hanggang 2017 ang pumupunta sa Holy Land sa pamamagitan ng Hong Kong at Turkish flag carriers.