Ipinahayag ni Peter Lavina, tagapagsalita ni Digong Du30 na plano ng bagong uupong presidente na i-overhaul ang constitusyon at gawin itong parliamentary system.
Subalit bago naman ito gawin ay mag sasagawa muna ng constitutional convention o concon.
Samantala, triniyak naman ni Lavina na hindi dapat mangamba ang mga negosyante sapagkat magiginG maganda pa rin ang kalakalan at negosyo sa bansa.
Naniniwala si lavina na dapat na maging welcome change para sa mga negosyante ang pagbabago ng ilang probisyonsa sa saligang batas.
Kabilang sa babaguhin ni Du30 ay ang 60-40 foreign ownership
Payag ang pangulo na magkaroon ng 100 percent ownershiop ng negosyo ang mga dayuhan sa bansa subalit tutol siya sa na ariin ng dayuhan ang 100 percent foreign ownership ng lupa sa bansa.
Kaugnay nito may mga pangalan ng napipili si Du30 para umupo sa kanyang gabinete.