Itinanggi ni dating DSWD Sec Judy Taguiwalo ang paratang na ang budget umano sa 4 p’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pondo na para sa mga mahihirap na Pilipino ay ibinigay umano sa mga NPA
Sa isinagawang press conference ni Presidente Rodrigo Duterte sa Pampanga noong Lunes ay sinabi niya
“She was suspected by, hindi naman lahat, but people na the bulk of the money went to, itong pantawid , naibigay sa mga NPA”
Ang budget ng 4P’s sa taong 2017 para sa mahihirap ay umaabot sa P55 billion
Matapos ma appoint ni Duterte si Taguiwalo ay may ”guidance” ito sa secretary “pagka pagkain huwag mo nang pigilan yan. Kung ang pera na binibigays ni Taguiwalo para rin sa mahirap , may mag hirap na NPA may mga guton din na hindi NPA, mas marami kesa NPa . Sabi ko okey lang ako “ .
Dagdag pa ni Duterte “Baka yong pera sabi nga ng – baka maibili ng mga bala o armas because of the pronouncememnt of (Joma) Sison that they are expanding, that they are recruiting .
May mga pagduda na nag take advantage umano ang mga NPA sa assistance at resources ng DSWD.
Tungkol naman sa umano’y sinisisi ng pangulo si Taguiwalo dahil sa ang resources ay nakarating sa mga kasamahan nito sabi ng pangulo
“ I said I do not need it, I know they are from the left that’s why I got them. But I said I leave it to the others to pass judgment.”
Sa panig naman ng mga NPA ikinalungkot nila ang sinabi ni Pangulong Duterte.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 29, 2017