Para sa security at convenience, mga Pinoy mas interesado sa cashless payments

Estimated read time 2 min read

 

 

 

Ayon sa isang survey mas interesado ngayon ang mga Pinoy sa cashless payments

para sa seguridad at convenience.

 

Ang electronic payment na hindi na gumagamit ng

cash ang nagugustuhan ng mga Pinoy lalo pa,

na sa panahon ngayon ay dumarami ang mga

masasamang loob na mas mabilis na mandukot kesa

maghanap ng trabaho.

 

 

Ito ang resulta ng annual online survey na isinagawa ng Visa’s Consumer Payment Attitudes across six markets sa Southeast Asia

 

Kasama sa pinag aralang bansa na convenient na para sa mga mamamayan ang cashless payments ay ang Indonesia, Malaysia , Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

 

Kasama sa survey ang 500 randomly selected people sa bawat bansa na may edad 18 to 55 years old.

 

49% ng mga Pilipino ang nagdadala ng card sa kanila wallet kung ikukumpara five years ago at 29% ang nagdadala na lang ng kaunting cash.

 

74% ng mga Pinoy sa Southeast Asia ang gumagamit ng cashless payments para sa groceries 58%, bills and fines 32% at sa pagkain at inumin 26%.

 

Noong unang panahon ang pera ng mga Pinoy ay inilalagay sa wallet, kung makapal naman nilalagyan lang ng rubberband at inilalagay sa bulsa.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 21, 2017

You May Also Like