Pangulong Rodrigo Duterte tinukoy na kung sino ang lady senator na may driver-lover

Estimated read time 2 min read

 

 

President Rodrigo Duterte named the lady senator who allegedly had an affair with her driver/lover and at the same time collector of the money during the campaign period.

 

10603679_895640143850694_924070899001381881_nHe was asked by the media who was that lady official and the president said “de Lima” referring to non other than Sen Leila de Lima.

 

Puno ng galit ang presidente sa kanyang mga akusasyon kay de Lima, ito ay matapos na ilunsad ni De Lima ang isang senate inquiry sa umano’y agresibong kampanya ng pangulo laban sa droga at ang mga nagaganap na judicial killings sa mga taong sangkot sa droga.

 

 

Walang kagatol gatol na pinangalanan ng pangulo si De Lima na tinukoy nito noong una na lady critic sa kanyang kampanya laban sa droga na may driver umano na ginawang lover at collector ng campaign fund mula sa mga nakakulong na drug lord sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa noong kampanya.

Ayon pa sa pangulo ”akala mo kung sinong malinis umano ang senadora na nagpatayo ng bahay sa kanyang driver-lover. Ito ay “immoral” at sa paningin ng misis ng driver ito ay “adultery.”

Samantala nagbigay komento naman si Sen Leila de Lima sa tinuran ng pangulo. Ayaw na niya umanong patulan ito sapagkat ito ay character assassination at foul ang sinasabi ng pangulo pero tuloy pa rin ang Senate inquiry sa araw ng Lunes at Martes, August 22 at 23, 2016. Si de Lima ang chairperson ng Senate Committee on Justice.

Ayon sa matapang na lady solon “It’s so foul, it’s character assassination. We are both professionals, the President and I, We are both public servants. I hope he doesn’t resort to those foul means. To me that’s very foul.”

Ang pagbubulgar ay sinabi ng pangulo nang dumalaw siya sa mga labi ni Petty Officer 3 Darwin Espallardo ng Naval Intelligence Security Group na napaslang sa isang anti drug operation. Ang kanyang mga labi ay dumating dakong alas 4 ng hapon sa NAIA

Kaugnay nito sa mensahe ng pangulo, “the drug problem just like the Abu Sayaff must be crushed, destroyed, I don’t care how it is to be destroyed, it must be destroyed.”

Ang illegal drugs umano ay isang pandemic.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 17, 2016

You May Also Like