Pangulong Duterte pwedeng mag deklara ng Martial Law kung patuloy na haharangin ng Supreme Court ang kampanya laban sa droga

Estimated read time 2 min read

 

 

 

Namutawi sa mga labi ni Pangulong Rodrigo Duterte at pinagsabihan niya si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pwedeng magdeklara siya ng Martial Law kung patuloy na hahadlangan ng Korte Suprema ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs sa bansa.

 

photo from http://3.bp.blogspot.com www.facebook.com/Duterte.com
photo from http://3.bp.blogspot.com
www.facebook.com/Duterte.com

Sa kanyang speech sa Cagayan de Oro City ipinahayag ng pangulo “Ikaw ang kingpin sa judiciary. Ako, Presidente. Ako may trabaho, ikaw wala. Walang mga judges na nagpapatrol ng daan.

Walang mga sheriff ninyo na nanghuhuli” ito ang mga pasaring ni Duterte kay Sereno ng dumalo siya sa 4th Infantry Division ng Phil. Army sa naturang lugar, bumisita sa mga namatay at nasugatan sa encounter ng tropa laban sa mga NPA kamakailan lamang.

“Please wag mo ako… hindi ako.. di ako gago. If this continues, pigilin mo ako, segi pag nagwala would you rather that I declare Martial Law? Dagdag pa ng pangulo.

 

 

Ang mga statement ni Duterte ay nangyari matapos na kwestiyunin ni Sereno ang pitong mga judges na pinangalanan ni Duterte na sangkot umano sa droga.

Samantala, ayon naman kay Sereno ang Supreme Court lamang ang may karapatang disiplinahin ang mga kasapi ng judiciary.

Nag warning pa si Duterte kay Sereno na huwag daw gumawa ng constitutional crisis sapagkat kanyang aatasan ang nasa executive department na huwag siyang igalang.

Payo naman ni Sereno na huwag daw susuko ang mga pinangalanang mga huwes hangga’t walang warrant of arrest sa kanila.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 9, 2016

You May Also Like