Pangulong Duterte magre-resign kung si Chiz o Bongbong ang kapalit

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

 

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na kung siya ay aalis sa posisyon, mas gusto niyang si dating senator Bongbong Marcos o kaya naman ay si Sen Chiz Escudero ang pumalit sa kanya kesa kay Vice President Leni Robredo.

 

Ito ay matapos maliitin ng pangulo ang kakayahan ni Robredo. Kung mangyayari aniya ang succession sa palagay niya ay hindi kakayanin ni Robredo ang mamuno sa bansa.

 

Sa kanyang talumpati sa okasyon ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) parang naisip niya na gusto na siyang mag resign kahit may apat na taon pa siyang natitira para maging presidente

 

 

 

Nagbibigay sa kanya ng frustration ang umano’y kurapsiyon sa bansa na halos kumalat na sa buong department ng pamahalaan.

 

Samantala bilang kasagutan binigyang diin ni Barry Gutierrez spokesperson ni VP Leni Robredo na sina Marcos at Escudero ay parehong talo noong election. Bakit daw si Allan Cayetano ay nakalimutang banggi tin.

 

Ayon sa tweet ni Gutierrez, unang una aniya, 155, 000 na pamilya ang natulungan ni VP Leni nang walang anomalya, walang kurakot kahit walang pwesto sa gabinete. Ikalawa pasensya na ang pangulo dahil talo sina Marcos at Chiz noong election. Pangatlo ang pang aasar ni Gutierrez na hanggang dito ba naman ay nakalimutan pa rin ng pangulo si Allan (Cayetano.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 16, 2018

You May Also Like