Nanawagan ang global media watchdog na Reporters Without Borders (RWB) sa mga kasapi ng media sa Pilipinas na i boycott ang mga ipinapatawag na press conferences at press briefings ni Presidente Rodrigo Duterte hangga’t hindi nagpapalabas ng apology.
Ang Reporters Without Borders ay non profit international media organization na may advocacy para sa information dessimination at freedom of the press. Ang head office nito ay nasa Paris, France at may consultant status sa United Nations.
Ito ay kasunod ng mga pananalita ng pangulo tungkol sa media killings. Karamihan umano sa napapatay na media ay sangkot sa corruption. ito umano ang ugat ng media killings.
Maraming na shock na media ng sabihin ni Duterte “Just because you’re a journalist you are not exempted from assassination, if you’re a son of a ____
“kaya namamatay kasi nababayaran na they take sides or nasobrahan nila ng atake, kung upright kang journalist nothing will happen to you” dagdag pa ni Duterte.
Ayon kay Benjamin Ismail, pinuno ng Asia Pacific desk ng Reporters Without Borders hindi lang “unworthy” para sa isang presidente ang ganitong pananalita kundi violation din sa batas tungkol sa defamation at ang “law inciting hatred and violence”
Samantala, ipinagtanggol naman ni Press Secretary Sal Panelo si Duterte. Sinabi nito na hindi naman daw nagbibigay ng justification ang pangulo sa media killings sa mga corrupt mediamen.
Hindi raw nito isusulong ang media killing dahil galit nga ito sa kriminalidad, drug lords at iba pa.
Nagiging honest lang daw si Duterte tungkol sa katotohanan ng corruption sa media subalit walang intention na isulong ang media killings. Napapatay daw ang media dahil may nagawa siyang masama sa isang tao.
Ayon naman kay Sen Koko Pimentel na misinterpret lang daw ng media ang snabi ni Duterte
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 1, 2016