Kinundina ni Sen Leila de Lima ang pagsasapubliko ng kanyang telephone number at numero ng
kanyang bahay sa nangyaring house inquiry noong araw ng Martes.
Ayon kay de Lima “I have no adequate words to express my utter dismay about the lack of foresight/or utter lack of sheer humanity displayed today during what I can only described as blatant exercise in harassment and persecution that is the so-called House of Representatives “inquiry”.
Ayon sa senadora mula ng isapubliko ang kanyang cellphone number ay bombarded na siya ng mga tawag, missed calls at mga text messages na umabot ng halos 2,000 messages. May nananakot, nang iinsulto at tinatawag pa siya ng kung ano anung name calling.
Sinira umano nila ang right of privacy ni de Lima at ang kanyang seguridad sa kumunikasyon.
Samantala noong araw ng Miyerkoles ay humarap sa pagdinig ng House Committee in Justice ang anim na mga testigo at isa lang ang kanilang tono ang pagdawit kay de Lima sa droga at ang alegasyon ng mga ito na tumatanggap ng drug money ang opisyal mula sa mga high profile inmate ng bilibid.
Ayon naman kay de Lima fabricated ang lahat ng testimonyang ito sapagkat naniniwala siya na tinakot at tinorture ang mga testigo para idiin siya.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 21, 2016