Araw ng Biyernes nagmistulang regalo ang pagkaka panalo ni Leni Robredo bilang vice president sa pagtatapos ng bilangan ng National Board of Canvassers (NBOC).
Araw ng Biyernes, Mayo 27, nagkataong birthday din ng kanyang nasirang asawang si Jesse Robredo. Si Leni ay nakakuha ng botong 14,418,817, samantalang si Bongbong Marcos ay nakakuha ng 14,155,344 votes, aabutin sa 263,473 votes ang lamang ni Leni.
Si Leni na nasa Naga City noong araw ng Biyernes para sa 2-in-one affair. Siya ang administering officer sa oath taking ceremony ng Team Naga sa pangunguna ni Mayor John Bongat, Vice Mayor Nelson Legacion at mga councilors. Siya rin ang nagpasumpa kay Congressman Gabriel “Gabby” Bordado na papalit sa kanya bilang mambabatas ng 3rd district ng Camarines Sur.
Kasama ni Leni ang kanyang tatlong anak, sina Aika, Trisha at Jillian, nag attend ng misa sa Basilica Minore bago dumiretso sa Eternal Gardens na kung saan nakahimlay ang mga labi ng secretary. Nagkaroon naman ng maikling programa, dinaluhan din ito ng mga supporters.
Sa kanyang mensahe naniniwala si Leni na kahit wala na si Jesse ay patuloy silang ginagabayan nito. Nanawagan din siya na sana ay wala ng iiyak sa oras na magtipon tipon sila sa puntod ni Jesse.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 27, 2016