Ipinahayag ni PNP Director General Ronald “Bato” de la Rosa na wala pang kumpirmasyon ang lumabas na mga balita na umano’y umatras na ang US sa pagbebenta ng armas sa bansa tulad ng M4 assault rifles.
May lumabas kasing balita na isang senador mula sa US ang nag pasa ng batas na pumipigil na sa arms deal ng bansa.
Ayon sa paglilinaw ni de la rosa, nagsabi ang supplier na walang aberya ang kanilang export permit tungkol sa transaksyon.
Samantala sinabi pa ni de la Rosa na kung talagang umatras nga ang US marami naman umanong ibang option. Pwedeng bumili ng armas ang bansa sa ibang bansa tulad ng Germany, Israel, China, Russia at iba pa.
Kinatigan din ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga pahayag ni de la Rosa.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
November 2, 2016