Pacquiao:  Rematch hindi retirement

Estimated read time 2 min read
 
GENERAL SANTOS CITY — Nakapagdesisyon na si fighting senator Manny Pacquiao na hindi pa siya mag re retiro sa pagbo boksing sa halip ay rematch ang pwedeng mangyari sa kanila ng fighting teacher na si Jeff Horn.
Ayon kay Pacquiao “there will be a rematch “ pakatapos kumain ng hapunan sa kanyang mansion sa General Santos City. Pero gusto muna niyang mag relax kasama ang pamilya lalo pa’t nasa recess ngayon ang Senado.
Ayon kay Pacman okey lang sa kanya kung ang rematch ay muling gawin sa Australia.
Magugunita na nauna na ring sinabi ni Horn pagkatapos na maagaw niya ang championship belt sa pagiging WBO welterweight champion  mula kay Manny  na kung magkakaroon ng rematch ay payag siya pero dapat sa Australia pa rin gawin ang laban.
Samantala malaki ang hinanakit ni Pacman sa referee dahil nagmistulang kinonsente nito si Horn na gamitin ang kanyang siko at ipitin ang kanyang ulo sa mga braso nito habang nasa gitna ng bakbakan. Pero hindi inaawat at walang warning ang referee sa maruming laro ng kalaban.
Ayon kay Manny “parang na set up ako” ni hindi naman umano binawasan ang score ni Horn kahit may mga violations ito at unanimous pa ang desisyon.   
 
Ang Battle of Brisbane ay nakapagdala ng $25 million sa kaban ng Australia. Nailagay sa mapa ang bansa  kaya ngayon pa lang ay nag anunsiyo na ang mga opisyal sa Australia para sa Pacman-Horn 2.
Nanakawan man ng titulo pero panalo naman sa premyo si Pacman dahil nakatanggap siya ng $10 million maliban pa ang kita sa pay-per-view samantalang si Horn ay nakatanggap ng $500,000.
Samantala tumalon sa tuwa ang ibang LGBT community sa pagkatalo ni Pacman sa laro
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
Sports news
July 4, 2017

.

You May Also Like