Pacman naging referee sa bakbakang Trillanes-Zubiri

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

Ang statement sa media ni Sen Antonio Trillanes tungkol sa “whitewashing issue” umano nina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen Richard Gordon sa imbistigasyon ng bribery scandal o suholan sa Bureau of Immigration (BI) ang dahilan ng word war nina Trillanesa at Zubiri.

 

 

Hindi rin sang ayon si Trillanes sa pahayag ni Zubiri na ang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen Richard Gordon ang siyang dapat na mag imbistiga sa umano’y panunuhol ni Jack Lam sa BI officials.

 

Sinabi na kasi ni Trillanes na ang kanyang komite ang dapat na mag imbistiga sa bribery scandal. Si Trillanes ang nakaupong Chairman ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Conduct.

 

Sa botong 14-7 tinanggal kay Trillanes ang pag imbistiga sa bribery scandal at ang proposal na mag re organize.

Naging mas personal ang bakbakan ng sabihin ni Trillanes ang isyu sa pandadaya umano ni Zubiri noong 2007 election kaya nga bumaba ito sa pwesto. Dapat daw ay handa sa giyera si Zubiri kung makikigiyera siya.

 

Rumesbak naman si Zubiri na si Trillanes umano ay nakasuhan ng treason at rebellion. Naging maswerte lang daw ang dating sundalo nang bigyan siya ng pardon ni former President Noynoy Aquino.

 

Hinamon pa ng suntukan ni Zubiri si Trillanes kaya dito na nagong referee si Pacman at ang iba pang senador.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
Jan 17, 2017

You May Also Like