Barat na budget na may halagang P1,000 lamang ang ipinasang budget ng kongreso para sa
Commission on Human Rights (CHR) sa 2018.
Araw ng Martes matapos ang mahabang debate ay naipasa ang
kakapiranggot na budget sa botong 119 ang pabor at 32 naman an
kumontra. Idinaan sa pagtayo at viva voce ang botohan.
Araw ng Lunes ay aprobado ng Senate Finance Committee ang
P678 million proposed budget ng CHR subalit hindi ito nakalusot
sa majority ng mga kongresista noong Tuesday voting.
Samantala ipinahayag ni House Speaker Pantaleon Alvares na kung gusto ng CHR ng malaking budget dapat magbitiw si CHR
Chairperson Chito Gascon.
Hindi naman natinag si Gascon. Mananatili umano siya bilang Chairman hanggang May 2022.
Pwede lang siyang mapatalsik sa pamamagitan ng impeachment.
Ang kanyang paglisan sa CHR ay magpapahina umano sa institusyon kaya hindi siya mag re resign.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 13, 2017