Obama at Trudeau nag dinner sa Montreal, pag develop ng susunod na mga lider pinag usapan

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

 

Hindi na nga pangulo si Barack Obama pero walang makapipigil sa kanyang “bromance” kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

 

 

Araw ng Martes habang nasa Montreal para sa speaking engagement na inorganisa ng Board of Trade of Metropolitan Montreal, nakipag dinner si Obama kay Trudeau.

 

 

Nag tweet naman ang Obama Foundation “Tonight in Montreal, @BarackObama and @JustinTrudeau discussed their shared commitment to developing the next generation of leaders,”

 

Samantala si Trudeau na ipinanganak sa Montreal ay nag tweet din “How do we get young leaders to take action in their communities? Thanks @BarackObama for your visit & insights tonight in my hometown.”
The pair had dinner at Liverpool House in Montreal’s Little Burgundy neighborhood. Ito ay matapos na mag deliver si Obama ng kanyang speech sa Palais des congres.

 

Sa kanyang talumpati nagbigay pugay si Obama sa Paris Accord. Pinitik ng konti ang liderato ni Pres Donald Trump.

 

Ayon kay Obama “Obviously I’m disappointed with the current American administration decision to put out of Paris. We’re going to have to act with more urgency. I’m looking forward to the United States being a leader and not just on the sidelines going forward.”

 

Ang dinner ng dalawa ay nagsilbing napakagandang attraction sa mga taong nakakita sa kanila.

 

Marami ang nag post sa social media at nagbiro pa ng umano’y “bromance” ng dalawa.

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 8, 2017

You May Also Like