MORNING BYTES – Dante Bantua of Himig Handog PPop Lovesongs 2016

Estimated read time 2 min read

 

MAGHIHINTAY AKO – Composer’s Point of View by Dante Bantatua

 

BACKGROUND OF THE COMPOSER

Dati, karamihan ng sinusulat kong kanta ay para sa mga kaibigan– sa mga kaibigan na kinakasal, o kaya yung mga may pinagdadaanang hirap sa buhay. Bago matapos ang 2014, naoperahan po ako sa puso. Pagkatapos ng mahirap na karanasan na yon, nagbago ang pananaw ko sa buhay. Na-realize ko po na sandali lang ang buhay natin. Kaya’t dito po sa aking pangalawang buhay, napag pasyahan kong ibuhos ang oras at isip ko sa pagsusulat ng magagandang awit. Naisip ko ring baka pwede akong sumali sa Himig Handog at baka sakaling mas marami ang maabot ng aking nalikhang awit.

 

ABOUT THE SONG

Habang nagpapagaling po ako noon pagkatapos ng aking operasyon sa puso, naalala ko po yung mga sandaling bago po ako ipasok sa operating room. Medyo ma-emosyon po ang mga oras na iyon. Ako po at ang aking mahal na asawa ay nagpa-alaman na sa isa’t-isa. Bagaman hindi po tiyak kung malalampasan ko ang kritikal na operasyonng iyon at kung mabubuhay pa po ako, puno pa rin po kami ng pag-asa at nanatiling tapat sa aming pangako na maghintay sa isa-t-isa. Hihintayin daw po nya ang muli kong pag-gising paglabas ko sa operating room. Dun po nanggaling ang title ng aking awiting “Maghihintay Ako”. Ang kantang ito rin po ay para sa lahat mga nagmamahalang pinaglayo ng pagkakataon. Ito ay isang pagkilala sa wagas na pagmamahal ng mga taong naghihintay sa kanilang mga mahal sa buhay na hinihintay umuwi mula sa ibang lugar o ibang bayan. Ito po ay isang pagsaludo sa kanilang sakripisyo, kasipagan, pagpupunyagi, at kadakilaan. Naisulat ang kantang ito para sa lahat ng nagmamahal na nakaranas o nakakaranas ng pangungulila, sa lahat ng mga umaasa na ang pagkawalay at pagtitiis ay magbubunga ng mas magandang bukas, at sa lahat ng mga pagmamahalan na pinalalim at pinalakas ng pangungulila.

 

Simple steps how you can VOTE for the song “Maghihintay Ako”  
1. Go to www.onemusic.ph
2. Register / Log In to get access
3. Once logged in, go to “Happening Now”
4. Click “Himig Handog”
5. Click “Global Choice for Favorite Song”
6. Scroll down and click VOTE for “Maghihintay Ako”
7. One vote per day is allowed.
8. Voting is until April 23

You May Also Like