Mga negosyante na hindi natutuwa sa mga pahayag ni DU30 hinamon ng pangulo “lumayas na sa bansa”

Estimated read time 2 min read

 

 

Walang kagatol – gatol na hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na hindi natutuwa sa mga sinasabi niya na magsilayas na sa bansa.

 

du30

 

Ito ang tahasang reaksyon ng pangulo sa mga pahayag ni US State Department Assistant Secretary Daniel Russel na nagdudulot umano ng pangamba sa mga negosyante ang mga sinasabi ni Duterte.

Kahit na nga mananahimik na sana ang pangulo subalit hindi niya umano mapapalagpas ang sinabi ni Russel.
Ayon sa pangulo “Sabi ko wala na tahimik na ako, Russel says Duterte’s comments causing worries in business communities. ‘Eh ‘di magsilayas kayo! Magtiis kami, we will recover, I assure you. We will live and survive. We have gone through the worst of times in this planet,”

Nagbigay din ng komento ang pangulo sa sinabi ni Russel na hindi dapat makompromiso ang US sa pagbabalik ng magandang relasyon ng Pilipinas at ng China.

Ayon kay Duterte “Tapos isang comment niya, RP-China rapproachment should not come at the expense of the US. Napakabilis ng malisya ng mga gago. Wala kaming pinag uusapan sa China kung hindi papaano magluto ng siopao ng maganda pati chopsuey. Eh kung may ibigay ang China pasalamat, kung wala eh ‘di wala eh ‘di huwag!”

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
October 25, 2016

You May Also Like