Mga kababayan ni VP Leni nagbigay payo, “Huwag ng sasakay ng bus”

Estimated read time 2 min read

 

Nagbigay ng payo ang mga malalapit na kaanak at supporters ni VP Leni Robredo na kung maaari sana ay huwag ng sasakay ng bus pauwi o papuntang Maynila.

Photo Credit:/www.facebook.com/LeniRobredoPH
Photo Credit:/www.facebook.com/LeniRobredoPH

Ayon sa mga ito, iba na ang kalagayan ngayong siya na an ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Ang usapin sa seguridad ang nakataya dito. Maliban sa siguradong pagkakaguluhan si Leni sa bus bilang VP.

Inihayag kasi ni VP Leni na sasakay pa rin ng bus pauwi kasama ang tatlo niyang anak na sina Aika,Trisha at Jillian.

Si Leni ay kilala sa pagiging matipid tulad ng yumaong asawang si Jesse. Biruan nga sa kanyang hometown na si Jesse daw ay presidente ng “Kuyom na Palad Foundation”. Ibig sabihin matipid at masinop sa lahat ng bagay. Tawag pa nga sa kanya “Simply Jesse”.

 

Inamin ni VP Leni na mahal ang plane ticket. Php 9,000 ang bawat isa, eh apat sila so 9,000 pesos times four baka pwede ng iarkila ng bus pauwi.

Sa bus naman ay Php1,000 lang ang bawat isa. May mga kasama pa silang security personnel. Kaya hindi na lang masyadong madalas ang pag uwi at madalang na lang ang solusyon dito.

Mas safe naman daw sa bus kesa sa pribadong sasakyan lalo pa’t hindi maayos ang kalsada pauwi sa Bikol.

Samantala, walang plano si Leni na tumira sa Coconut Palace kung saan ang tirahan ng bise president dahil mahal ang monthly rental na umaabot sa Php 500,000, almost half a million.

Gusto ni VP Leni na ang napakalaking halagang ito ay pwedeng gamitin sa pagpapatayo ng mga satellite offices ng VP sa mga probinsiya para malapit sa laylayan ng lipunan lalo pa’t rural development talaga ang pangarap ng simpleng bise presidente.
Attachments area

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 31, 2016

You May Also Like