Sa wakas nahuli na ng Abu Dhabi police ang diumano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.
Mismong si PNP Chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa ang nagkumpima nito sa media sa ipinatawang na press conference noong araw ng Lunes
Magugunita na sinabihan na ito ni de la Rosa na kusang sumuko subalit hindi naman ito nangyari
Isang 3-man team na pinamumunuan ni Police Senior Supt Bert Ferro ng anti illegal drugs group ang lumipad papuntang Abu Dhabi upang makipag ugnayan sa Abu Dhabi police.
Äyon kay de la Rosa “Merong nag tip sa atin, merong tumawag na mga OFW doon sa Abu Dhabi na nagsasabi na andiyan malapit sa building nila nakatira si Kerwin kaya nag dispatch tayo ng 3-man team”
Si Kerwin ay nag travel mula Malaysia hanggang Abu Dhabi noong panahon na sumuko kay De La Rosa ang kanyang ama, si Albuera Mayor Rolando Espinosa at noong nag isyu ng warrant of arrest laban sa kanya. Sa Abu Dhabi ay tinangka ni Kerwin na mag stay legally sa pamamagitan ng pagpunta sa mga travel agency.
Ayon pa kay de la Rosa “nagpapatulong si Kerwin kung paano ma -extend yung stay doon. Doon nalaman ng trabahante sa building na yon yung travel agency kasi paubos na yung time niya. Aarestuhin siya ng police for overstaying ‘di ba? So wino workout niya na ma extend siya. Doon siya nasunog”
Sa oras na maipalabas na ang warrant of arrest kay Kerwin ay i aalerto na ni de la Rosa ang International Police (Interpol). Dito magpapalabas ng red alert ang Interpol kay Kerwin.
Si Kerwin ay nasa custody ng Abu Dhabi police at ibabalik sa Pilipinas sa oras na maayos na ang mga papeles nito.