Matapos magbigay ng pahayag na big mistake ang pagpapatayo ni Duterte ng drug rehab, Dangerous Drugs Board Chairman, pinag resign ni Duterte

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

 

 

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na pinag resign niya si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago dahil hindi nagustuhan ng pangulo ang mga komento ni Santiago.

 

Image may contain: 1 person, smiling, suit

 

“Well, ganito kasi. Nagbitaw siya ng salita that “it is a waste of money,” that “it is not the right approach.” You know, you saw him in the previous administration. He was there. Bakit hindi niya ginawa?

 

“Kaya kita inilagay diyan, not to issue statements to the press. Inilagay kita diyan para magpunta ka sa akin kung ano ang problema natin sa bayan natin at turuan mo ako kung nagkulang ako kung anong dapat kong gawin. But you do not go open to the press and start to blabber. When as a matter of fact, your previous action… ‘Di ba nung siya pa, it was caught on TV, pinagsisipa niya ‘yung tao,”

 

Magugunita na ipinahayag ni Santiago na “impractical” at “mistake” ang pagpapatayo ng Mega Treatment and Rehabilitaton Center na pwedeng mag accomodate ng 10.000 drug dependents sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte..

“That was a mistake. Ang problema, naging excited si President. Yung ginasta doon, puwedeng ginamit sa mga community based rehab yun, malilit which can only accommodate siguro mga 150 to 200,”

 

“Masyadong malaki yung 5,000 (capacity). Saan ka kukuha niyan?”

 

Sa 10,000 bed capacity aabutin lang sa 311 ang pasyente sa first phase nito noong June.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
November 8, 2017

You May Also Like