Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang financial capability at ability ang Pilipino
para gastusin sa marine research tungkol sa Philippine Rise.
Reaction ito ni Roque matapos batikusin ang desisyon ng pamahalaan na payagan ang China na magsagawa
ng marine research sa naturang lugar na mayaman sa resources .
Ayon sa briefing ni Roque,sa Palasyo, ”No Filipino has applied to conduct research in the Philippine Rise”.
“No one has applied. And no one can do it because, apparently, it’s capital intensive,’
The Philippine Rise, formerly known as Benham Rise, was renamed so by President Rodrigo Duterte
to assert jurisdiction over the area.
Ayon kay Roque “Because only China has qualified so far. There are other applicants,
unfortunately they did not qualify according to fixed guidelines already set by the government,”
Samantala magugunita na ipinahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano
na ang gagawing marine research ng China sa Philippine Rise ay malaki ang pakinabang at may favorable
effect sa Pilipinas.
Wala namang nakikitang dahilan para magdulot ito ng masamang epekto sa bansa.
Idinagdag pa ni Roque na pinapayagan ng batas na magsagawa ng foreign research sa gas-rich region
basta’t mayroong kasamang Filipino scientist at lahat ng mga findings ay ipapaalam sa mga Pinoy.
Ayon sa ruling ng United Nations (UN) noong 2012, “the Philippine Rise was part of the country’s
exclusive economic zone, which gave the Philippines “sovereign rights” to explore and exploit
the resources in the area.”