Marcos Burial sa Libingan ng mga Bayani, tuloy na sa Sept 18

Estimated read time 1 min read

 
Kung hindi na magkakaroon ng aberya matutuloy na ang paglilibing sa mga labi ni dating

Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City sa Septiembre 18, 2016.

 

Photo from smh.com.au
Photo from smh.com.au

Dumating na rin ang kabaong na paglalagakan ng labi ni Marcos na hanggang ngayon sy nakahimlay pa rin sa isang kabaong na gawa sa salamin sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac City Ilocos Norte.

Samantala ang casket ay tinatawag na IFP Dark Brushed Bronze. May pearl velvet ang loob at gold-plated na hawakan. Isa itong full couch casket. Ayon sa estimated selling price aabutin ito mula $15,000 hanggang $18,000 (Php690,000 hanggang Php820,000) hindi pa kasama ang shipping at buwis.

Samantala sa tahanan ng mga Marcos sa Ilocos ay pinaghahandaan nila ang mahalagang araw sa Sept. 15-17, 2016 para sa grand program of activities sa pamamagitan ng pagsisilbi ng mga pagkain, logistics at iba pang gastusin hanggang sa culminating activity sa Sep 18, 2016 at tuluyang paglilibing sa Libingan ng mga Bayani,

Umani naman ng samu’t saring usapin ang paglilibing kay Marcos, may mga pumapabor at may mga komokontra.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 10, 2016

You May Also Like