Magical Island Maker Ship Mula China pababantayan ni Lorenzana

Estimated read time 1 min read

 

 

Ipinahayag ni Defense Sec Delfin Lorenzana na ipapa monitor at pababantayan niya ang galaw ng isang barko mula China na tinaguriang “magical island maker”.

 

 

Ang higanteng dredging ship na ito ay may kakayahang magpatayo ng artipisyal na mga isla sa gitna ng dagat kagaya ng ginawa ng Beijng na nagpatayo na ng mga isla sa South China sea.

 

Ayon kay Lorenzana hindi pa naman siya worried tungkol dito subalit dapat bigyang pansin ang presencia ng barko sa West Philippine Sea.

 

Sinabi ni Lorenzana “we have reports that they launched their big dredger but we don’t know where it is going. We are constantly monitoring the movement of this ship”

 

Ang barko na may pangalang Tian Kun Hao ay maituturing na pinakamalaking dredger vessel sa Asya na may habang 140 meter.

 

Nababahala naman ang international security observers dahil pwede itong i deploy sa South China Sea lalo na sa pag reclaim ng Scarborough Shoal.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
November 7, 2017

You May Also Like