Planong isulong ni Sen Vicente Sotto 111 ang mala “Alcatraz” na kulungan para sa mga drug lords at drug traffickers.
Ang Alcatraz ay isang dating kulungan sa isang isla sa San Francisco, California na ngayon ay isa nang tourist attraction.
Ayon kay Sotto, kanyang bubuhayin ang proposal tungkol sa panukalang ito . Kung ang isang convicted drug lord at drug traffickers ay ikululong sa isang bilangguan na nasa isang isla, hindi na ito makakabwelo sa kanilang transaction.
Sa ngayon kasi ang mga convicted drug lords at drug traffickers na nasa National Bilibid Prison (NBP) ay malaya pa ring nakakagalaw.
Marami pa silang galamay at patuloy ang drug trade sa labas ng kulungan dahil sa protection ng ilang mga otoridad sa kanila.
Sinabi ni Sotto na kung sakaling maipasa at maging batas ang kanyang panukala ay hindi na umano kailangang ibalik ang death penalty.
Pinapayagan naman umano ng Constitution ang segregation ng mga bilanggo.
May napipisil nang isla sa Palawan si Sotto. Sa oras na ma isolate na sa isla ang mga ito ay wala na silang contact sa outside world, walang cellphone at walang cell site.
Malaking tulong din ito para mabigyan na ng solusyon ang congestion sa loob ng NBP.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 16, 2016