Kahit na nga suspendido ng dalawang taon ang Five-time Grand slam tennis champ na si Maria Sharapova, dalawa pang malalaking sponsors ang nagbigay suporta sa kanya.
Ang Head Racket Supplier at Evian bottled water ay sumunod sa pahayag ng higanteng brand ng sapatos na Nike na patuloy nilang susuportahan ang Russian player.
Samantala, ang beauty care products na Avon ay titigil na muna matapos na mag expire ang kontrata kay Sharapova pero wala daw itong kinalaman sa suspension.
Ayon sa pinuno ng Head, mali ang desisyon ng International Tennis Federation anti-doping tribnal na isinama ang melodium sa mga ipinagbabawal na substance ng World Anti-Doping Agency (WADA)
Si Sharapova ay mag aapela sa Court of Arbitration of Sport. Siya umano ay 10 years nang gumagamit ng melodium dahil sa isyu sa kalusugan, hindi niya umano na check na isa pala ito sa substance na nasa listahan ng WADA.
Ang melodium ay isang blood-flow drug na ginagamit ng mga soviet soldiers para sa endurance nila.
Si Sharapova, 29 year old ay ang world’s highest paid athlete.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 10, 2016