Ilang oras matapos mag announce na magbibitiw sa Comelec sa katapusan ng taon 2017, tuluyan nang inaprubahan sa Kongreso ang impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.
Sa botong 137 yes vote to impeachment, 75 no votes at 2 abstain.
Inutusan na rin ang House Justice Committee na ihanda na ang Articles of Impeachment para ma i transmit agad sa Senado na syang tatayong impeachment court at magsasagawa ng full blown trial.
Sinabi nina Deputy Speaker Gwendolyn Garcia at Kabayan Partylist Representative Harry Roque na ang announcement ni Bautista na mag re resign sa buwan pa ng December, 2017 ay may layuning lokohin at lansihin umano ang mga mambabatas para i dismiss ang complaint.
Kapag na dismiss na ang complaint dahil sa insufficiency in form, wala nang mangyayaring hearing para talakayin ang substance ng complaint.
Ayon pa kay Garcia “What if, after his prayers again and discernment, he says I will not resign?. If he thought he can persuade the congressmen with a very lame claim of resignation, the 137 congressmen saw through it all!”
Roque said it was as if Bautista “attempted to buy time” by announcing his resignation on Wednesday morning, so he “would have bought himself a year free of impeachment.”
Kung magbabago umano ang isip ni Bautista na huwag nang mag resign sa December, 2017, makikinabang pa siya sa SK at barangay election sa 2018 dahil sa election ban.
Kung mag re resign din lang naman si Bautista dapat agad agad.
Sabi naman ni Bautista, kaya sa December pa siya mag re resign para may panahon si Pres Rodrigo Duterte na makakuha ng kapalit niya bilang Comelec Chairman.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
October 11, 2017