Patay ang convicted Chinese drug lord na si Tony Co sa nangyaring riot ng mga bilanggo sa National Bilibid Prison (NBP)
Si Co ay sinaksak ng icepick ng kanyang kapwa bilanggo ng magkaroon ng riot sa building 14 ng NBP noong Miyerkoles ng umaga.
Kaugnay nito, tatlo pang bilanggo ang nasugatan sa riot, ang kontrobersyal na si Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy ay nasugatan sa pangyayari na agad namang dinala sa hospital.
Ayon sa initial report ni Justice Sec Vitaliano Aguirre ang riot ay nagsimula dakong alas 7:40 ng umaga nang mahuli ng inmate na si Edgar Cinco sina Peter, Tony at Vicente na gumagamit ng shabu at nag pa pot session.
Nagsumbong si Cinco .kay Clarence Dungail isang dating major ng PNP. Sinita umano ang tatlo at pinagsabihasn ni Dungail. Sinugod ni Tony si Dungail at dito na nagsimula ang riot.
Ayon kay Rolando Asuncion officer–in-charge ng Bureau of Correction (BuCor), nangyari ang riot sa building 14 at sangkot ang walong inmates. Nasugatan din si Dungail subalit hindi na nagpagamot sa hospital.
Samantala, ayon kay Aguirre hindi rin apektado ang pagdinig sa house dahil kanila pa ring ihaharap sa witness stand si Jaybee Sebastian na magtestify laban kay Sen Leila de Lima.
Samantala agad naghain ng resolution sina Sen. Leila de Lima, at Sen Antonio Trillanes na paimbistigahan sa Senado ang riot sa bilibid.
Ipapatawag ang BuCoSr chief, pinuno ng Special Action Force (SAF) at Justice Sec Vitaliano Aguirre.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 28, 2016