Toys R Us has filed for bankruptcy protection and is facing imminent deadlines to pay off
$400 million in debt due by the end of this year.
Malaking dagok ito sa isang kompanya na maituturing na iconic toy retailer at bukambibig ng
mga customers kaya kailangan ang restructuring para mabayaran ang $5 billion long=term debt.
Kahit na nga nalalapit na ang holiday season na magpapalakas sa benta ng kompanya pero iba na ngayon.
Ang Toys R Us ay nag pahirap sa maliliit na mga toy stores dahil sa big box retailing generation nito.
Magkaganoon pa man ay nagpahayag ang management na mananatiling bukas ang kanilang 1,600 locations
at makikipag ugnayan pa rin sa mga suppliers para puno pa rin ang kanilang toy stores ng mga gadgets,
games at iba pang mga laruan.
Nag file ang kompanya sa US Bankruptcy Court for the Eastern District sa Richmund, Va.
Ang Canadian subsidiary ay plano ring gawin ang petition sa Ontario Superior Court.
Ayon kay Dave Brandon, CEO ng kompanya “Today marks the dawn of a new era at Toys R Us
where we expect that the financial constraints that have held us back will be addressed in a lasting and effective way”
Ayon pa kay Brandon ang bankruptcy filing “will provide us with greater flexibility to invest in
our business, continue to improve the customer experience in our physical stores, and online,
and strengthen our competitive position in an increasingly challenging and rapidly changing
retail marketplace worldwide”
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 21, 2017