Sa pagharap ni Presidente Rodrigo Duterte sa isang press conference sa kanyang presidential guesthouse o ang tinaguriang “Malacañang of the South” sa Panacan, Davao City, 13 na mga cabinet appointees ang ipinakilala sa media.
Narito ang listahan ng gabinete ni Duterte na naipakilala sa press conference noong May 31, 2016.
1.Presdential spokesman, Atty. Salvador Panelo, high profile lawyer ni Andal Ampatuan Jr. suspect sa ampatuan massacre. Naging abogado ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa kasong plunder
2. Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, childhood friend ni Duterte, anak ni dating Associate Justice Leo Medialdea
3.Cabinet Sec. Leoncio “Jun” Evasco, Jr., outgoing mayor ng Maribojoc, Bohol, national campaign manager ni Duterte noong kampanya, dating rebeldeng pari, matagal na nagin chief of staff at close friend ni Duterte. Unang nagkita sa Davao ang dalawa noong isa pang NPA rebel si Evasco, at Prosecutor naman si Duterte, si Evasco ay naaresto at nakulong
4. Jess Dureza, peace process adviser, dating kaklase ni Duterte, dating presidential adviser ni GMA at Fidel Ramos
5. Solicitor General, Jose Calida, dating justice undersecretary
6. Presidential Asst for Visayas Michael Dino, may ranggong undersecretary, supporter ni Duterte noong panahon ng kampanya
7. National Security Adviser Hermogenes Esperon, retired general at naging AFP chief of staff ni GMA
8. Department of Foreign Affairs (DFA) Perfecto Yasay Jr. abogado at dating chairman ng SEC
9. DOTC Sec , Arthur Tugade, kaklase ni Duterte sa San Beda Law School
10. DPWH Sec. Mark Villar, anak nina dating Sen. Manny Villar at Sen. Cynthia Villar, isang businessman at re elected congressman ng lone district ng Las Piñas
11. DOST Sec, Fortunato de la Peña, dating DOST usec
12. NBI – Martin Gierran, NBI director sa region11
13 DILG Sec. Mike Sueno,, PDP -Laban National Chairman at dating gobernador ng South Cotabato
14. DILG undersecretary, Catalino Coy, siya ay DILG Sec at dating director ng Special Action Force ng PNP
15, PNP Chief, Ronald de la Rosa, Davao Police Chief mula 2011-2013, PMA graduate at trusted friend ni Duterte
16. DOJ, Vitaliano Aguirre, beteranong abogado, at batchmate ni Duterte sa San Beda Law School, abogado ni Hubert Webb sa Visconde Massacre case, siya ang nagtakip ng tainga ng mag lecture si Sen Miriam Defensor Santiago sa impeachment hearing noon kay Justice Renato Corona kaya siya ay na i contempt
17. DEPED Sec. Leonor Briones, professor emeritus ng Public Administration sa National College of Public Administration and Governance sa UP. Diliman, dating presidential adviser for national development with cabinet rank at naging national treasurer of the phils, mula August 1998 hanggnag Feb 2001.
18. Bureau of Immigration (BID), Jaime Morante, dating police chief sa Southern Mindanao,
19. Bureau of Customs, NIcanor Faeldon, dating marine captain, dating kasamahan ni Sen. Antonio Trillanes IV. Naging sikat kasama ang ilang junior officers sa Oakwood mutiny sa Makati Business Distrct noong July 2003 ng panahon ni dating pangulong GMA.
20. Phil. Drug Enforcement Agency (PEDEA) Isidro Lapeña, dating PNP director, pinuno ng security team ni Duterte noong kampanya.
21. DOLE, Silvestre Bello 111, dating justice sec at solicitor general noong Ramos administration
22. DSWD, Judy Taguiwalo, dating associate professor sa Department of Women and Development Studies sa UP, Diliman
23. DBM, Benjamin Diokno, dating budget secretary ng Erap administrsaton
24. DOE, Alfonso Cusi, dating GM ng Manila Internatrional Airport Authority
25. DOF, Carlos Dominguez 111, chairman ng Duterte’s Finance committee noong kampanya, may ari ng Marco Polo Hotel sa Davao City, dating kaklase at childhood friend ni Duterte at naging cabinet sec nina Cory Aquino at Fidel Ramos, presidente ng Manila Hotel at PAL.
26. DAR, Rafael Mariano, lider ng mga magsasaka at dating anak pawis representative. Ang pangalan niya ay isinumite ng NDF
27. NEDA, Ernesto Pernia, professor emeritus ng School of Economics sa UP . Diliman
28. National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) , Ricardo Jalad, retired general ng AFP.
Pakatapos ng announcement ni Atty Panelo sa mga bagong appointees tumayo naman si Duterte sa podium at nagpahayag sa media
“I can assure you, they are all men of integrity, wala akong nakitang bahid sa kanila,”
Hindi daw madali ang pagbuo ng gabinete. Hndi rin daw siya makikialam sa trabaho ng gabinete niya at hindi niya aabusuhin ang kanyang posisyon.
Ang kaparaho niyang public servant ay hindi niya didiktahan na gumawa ng masama at mga bagay na lumalabag sa batas.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 31, 2016