Gabinete ni Duterte isa isang pinangalanan sa magdamagang Press Conference

Estimated read time 2 min read

 

Davao City, Philippines— Inabot ng hatinggabi hanggang alas 4 ng madaling araw ang press conference ni incoming president Rodrigo Duterte.

du30
Photo Credit : ben jason tesiorna

Dito ay ipinahayag niya sa media ang kanyang mga plano at pagbabago kung siya ay uupo na bilang pangulo .
May mga pangalan nang binanggit para maging bahagi ng kanyang gabinite.

Napipisil na paupuin sa Dept of Finance si Sonny Dominguez, Si Sen Alan Peter Cayetano sa DOJ o DFA., Si Perfecto Yasay Jr. bilang acting sec ng DFA.

Gustong gawing executive secretary si Atty Salvador Medialdea habang si Atty Sal Panelo naman ay communication o press secretary. Inalok din si Gibo Teodoro bilang Defense Sec subalit wala pang finality.

Si Peter Laurel pangulo ng Lyceum bilang sec ng Deped, Peace adviser si Jess Dureza at Atty Silvestre Bello 111 bilang negotiator sa mga kumunista..Bibigyan din niya ng isang upuan sa gabinete ang isang kasapi ng CCP-NPA at pwedeng maging sec ng BFAR, DOLE at iba pa. .

Sa press con ay namataan si Cong Nonoy Andaya ng Camarines sur at iba pang ofisyal karamihan ay kaalayado ni dating pangulong GMA.

Nilinaw naman ni Duterte na walang palakasan sa kanyang administrasyon. Bawal ang bulong at bawal ang may padrinong pulitiko dahil disqualified na agad ito. Dapat ibatay sa kakayahan ang “hiring” sa kanyang pamunuan.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 16, 2016

You May Also Like