Nakapag desisyon na si boxing champ Manny Pacquiao na huwag nang tanggapan ang offer ng Association of Boxing
Alliances in the Philippines (ABAP) na maglaro sa Rio Olympics.
Ayon kay Aquiles Zonio media officer ni Pacman, kumunsulta muna si Manny sa mga kaibigan, advisers at sports leaders bago mag desisyon sa ibinigay na May 27 deadline.
Minabuti ni Pacman na mag concentrate sa pagiging senador.
Gustong tuparin ni Manny ang pangako sa milyong milyong Pilipinong bomoto sa kanya na titigil na siya sa boxing at mag concentrate sa senado lalo pa’t noong siya ay congressman ay topnotcher sa pagiging absent.
Wala na daw siyang oras para mag concentrate sa Rio.
Magugunita na ang Rio Olympics ay binuksan sa mga professional boxers. Pangarap ni Manny na maglaro para sa welterweight division.
Ayon kay Ricky Vargas pinuno ng ABAP iginagalang nila ang desisyon ni Manny.
Inimbitahan nito si Pacman na dumalo sa opening ng Rio Olympics para magbigay inspirasyon sa mga atleta ng bansa.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 28, 2016