Duterte declares Martial Law in Mindanao and will last for a year

Estimated read time 2 min read

No automatic alt text available.

 

Ipinahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na pwedeng magtagal ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao at ito ay kahalintulad ng Martial Law noong ng diktador na si Ferdinand Marcos

 

Ayon sa video ni Duterte mula sa Russia na na i post online ng pamahalaan “ if it would take a year to do it, if it’s over within a month, then I’d be happy, it could not be any different from what President Marcos did,”

 

Magiging marahas din daw ang Martial Law niya sa mga terorista. “ that I told everyone, do not force my hand into it. I have to do it to preserve the Republic of the Philippines, the Filipino people,”

 

Ang Martial Law sa Mindanao ay na i declare Duterte noong Martes ng gabi Mayo 23, matapos ang mga terroristic acts ng mga rebelde tulad ng pagsunog sa Marawi City jail, Dansalan College, St. Mary’s Home at iba pang pasilidad. Naputol din ang kumunikasyon at laganap ang brown out sa lugar.

 

Nakarinig ng mahabang putokan ang mga mamamayan. May namatay na sundalo at marami ang sugatan sa palitan ng putok ng mga sundalo at ng Maute group at Abu Sayaff sa lugar.

Dahil sa pangyayaring ito ay minabuti ng pangulo na putolin ang state visit sa Russia. Kaya mula sa Moscow ay minabuti niyang lumipad pabalik ng Pilipinas at pumunta sa Mindanao

 

AFP Statement and Updates on the Marawi Operations

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 24, 2017

You May Also Like