Tatlong anggulo ang tinitingnan ngayon ng mga otoridad sa pagpanaw ng lima katao na lumahok sa CloseUp Forever Summer Concert sa open parking area ng isang mall sa Pasay City noong Linggo ng umaga. Aabot naman sa 14,000 katao ang sumama sa concert.
Kinilala ang mga biktima na sina Ariel Leal, 22, Lance Garcia, 36, Bianca Fontejon, 18, at Eric Anthony Miller,33, isang American national.
Ang apat ay nakitang nakahandusay na sa kalsada, sa imbistigasyon ng Pasay Police, amoy alak ang mga biktima
Samantala si Ken Migawa, 18 ay pumanaw na rin sa hospital na naging kritikal ng isugod sa hospital.
Sa isinagawang autopsy lumabas na cardiac arrest ang sanhi ng kamatayan ng dalawang biktima. Subalit hindi nila alam kung bakit inatake sa puso ang mga ito.
May mga nakitang illegal substances sa lugar at ang tinatawag na green apple o ecstacy.
May mga ulat na nakalap ang mga otoridad na may bentahan ng droga sa naturang concert.
Humingi naman ng paumanhin ang Close up management at handang tumulong sa gastusin ng mga nasawi.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 23, 2016