Ibabalik ni incoming president Rodrigo Duterte ang death penalty sa oras na siya ay umupo na sa Malacañang. Subalit mas malupit ang kanyang version sapagkat ipapakita sa publiko ang sinumang mahahatulan ng bitay.
Ayon kay Duterte “What will we do is to urge congress to restore the death penalty by hanging.” Kabilang sa mga mahahatulan ng bitay ay ang mga drug lord, kidnapper, gun for hire, rapist, holdaper at iba pa.
Sinabi ng uupong pangulo “ upon my assumption, shoot to kill for every organized crime”
May napipili namang anti drug czar si Duterte, sa pamamagitan ni Police Senior Supt. Vicente Danao, Jr. hepe ng PNP sa Davao.
Kaugnay nito nagbigay ng babala si Danao sa mga gumagamit ng illegal na droga at mga tulak ng droga sapagkat
ipapatupad nila sa buong Pilipinas ang sistema sa Davao City.
Ayon kay Danao, wala daw silang sasantuhin sa operasyon kahit pulitiko pa ito o may koneksyon sa pamahalaan.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 17, 2016