Dahil sa umano’y diversion ng PDAF, Sen Honasan kinasuhan ng graft ng Ombudsman

Estimated read time 1 min read

 

 

Araw ng Martes, kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng graft si Sen. Gringo Honasan dahil umano sa diversion ng kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) dahil umano sa pagbibigay ng pondo na umaabot sa P30 million worth of livelihood ng enterprise project para sa Muslim communities sa National Capital Region at Zambales.

 

Ang transaction umano ay irregular dahil hindi sinunod ang Procurement rules.

 

Ginamit umano ng senador ang National Council of Muslim Filipinos bilang implementing agency at Focus Develoment Goals Foundation, Incorporated bilang beneficiary group.

 

Ang transaction ng senador sa Focus Development ay nauna na umanong pinuna ng Commission on Audit (COA) sa special report nito noong 2014.

 

Nag recommend and COA na i blacklist sa lahat ng government transactions ang Focus Development

 

Si Honasan ang ika apat na senador na kinsuhan dahil sa PDAF scam.

 

Samantala, sina dating senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay kinasuhan ng plunder dahil umano sa pagkuha ng kickbacks sa mga ghost projects gamit ang kanilang PDAF.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 1, 2017

You May Also Like