BATAC, Ilocos Norte—– Ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 11
bilang Special Non Working Holiday.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng lalawigan sa ika 100 birthdate ng dating strongman.
Marami naman ang hindi sumang ayon sa hakbang ng pangulo.Ayon kay Duterte,
” Marcos is a hero to Ilocanos , why debate on that?”
Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang pamilya Marcos tulad ng Banal na Misa, unveilang ng plaque sa
ancestral home ng mga Marcos sa Batac, maikling programa at iba pa.
Ayon kay Rene Escalante, head ng National Historical Commission kahit samu’t sari ang komento sa
management style ng dating pangulo “his administration had a great contribution on strenghening the nation”
Nakasaad sa marker kung papano na i declare ang Martial Law noong 1972 at ang mga programa at proyekto
sa ilalim ng slogan na ” New Society”
Pinangunahan ang mga programa ni Congresswoman Imelda Marcos, former sen Bongbong Marcos,
Gov Imee Marcos at iba pa.
Samantala nagsagawa din ng protesta ang mga rallyista sa Libingan ng mga Bayani na kung saan
nakalibing ang mga labi ni Marcos.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 11, 2017