Tuluyan nang nagbitiw bilang commissioner ng Bureau of Customs (BOC) si Nicanor Faeldon.
Tinanggap na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang resignation. Sa kanyang isinagawang press conference noong Lunes ng gabi ay kinumpirma ito ng pangulo.
Subalit mananatili ang pagtitiwala ng pangulo kay Faeldon na ayon sa kanya ay biktima ng corruption sa ahensiya.
Samantala araw ng Martes matapos tanggapin ng pangulo ang kanyang resignation ay sinabi ni Faeldon “My reflief from my post is the best for our country “
“I thank everyone who has supported the Bureau of Customs during my stay and I appeal to the BOC employees and to the public to support the new commissioner. Thank you very much”
Itinalaga ni Duterte si Director Isidro Lapeña ng Philippine Enforcement Agency (PDEA) kapalit ni Faeldon.
Magugunita na si Faeldon ay humarap sa Senate hearing dahil sa smuggling ng 604 kilos ng shabu mula sa China na nagkakahalaga ng P6.5 billion. Maraming senador ang nanawagan sa pagbibitiw ni Faeldon.
Inamin naman ng commissioner na talamak talaga ang corruption sa BOC.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 22, 2017